PC Co!nnections
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Why Pinoy Telenovelas are very Stereotype?

Go down

Why Pinoy Telenovelas are very Stereotype? Empty Why Pinoy Telenovelas are very Stereotype?

Post by ryudo05 Thu Mar 12, 2009 3:19 pm

Napapansin ko lang sa araw-araw na panonood namin ng TV na patok na patok sa mga Pinoy (or masang Pinoy) ang mga telenobela. Kahit anong network channel meron nito. Pero sa aking palagay (IMHO) hindi na masyadong entertaining ang mga telenobela ngayon.

Nagiging paulit-ulit lamang ang tema ng mga ito kahit na nag-adapt na tayo ng Foreign Telenovelas. Masmaganda pa ang mga telenobela na gawa ng mga Koreans dahil meron itong dalang authenticity, ethnicity, nationalism, creative approach and unpredictable storyline.
kung ba
Marami na din namang improvement ng mga telenobela natin pero sa tingin ko madami pang kailangan ayusin o pagandahin bago ito ipalabas sa TV.

May mga bagay din na nagiging sanhi kung bakit ang isang palabas kapag tumatagal ay nawawalan ng kinang. At ang mga manonood ay unti-unting nababawasan.

Karaniwan na kase ang mga sumusunod na tagpo sa isang Pinoy Telenovela:

  1. Karaniwan na ang isang kuwento kung saan ang bidang lalaki o babae ay isang nawawalang anak ng isang mayamang tao. Siya ay mawawala noong siya ay bata pa o sanggol pa lamang. At sa pagtakbo ng istorya unti-unti niyang mahahanap ang kanyang mga magulang. At minsan pa malalaman nito na ang mga magulang niya ang nagbibigay sa kanya ng pahirap sa buong takbo ng kuwento.
  2. Karaniwan na din ang happy ending sa isang kuwento. Maganda din siguro kung minsan ay makakapanood tayo ng mga palabas na may kakaibang pagtatapos. Ang mahalaga lang sa isang kuwento ay mayroon itong kapupulutang aral.
ryudo05
ryudo05
Newbie
Newbie

Male Number of posts : 19
Age : 46
Location : Pangarap, Caloocan
Karma : 2
Registration date : 2009-03-11

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum